Kupido–Pag-ibig Ba Talaga Ang Dala Mo?

Pebrero 8, 2010 pruelpo 18 mga puna

Pakiramdam ko po may nakakalso sa lalamunan ko dahil sa sobrang pagkabigla sa natanggap kong text messages mula sa aking maybahay sa Pinas kaninang umaga Feb 8, 2010, ipinaalam na “Patay na si Uncle Vic”. Ang daming maibabalita bakit patungkol pa sa kamatayan ng isang taong nagmahal at nagpahalaga sa buhay at kinabukasan ko.

Gusto kong sumigaw nguni’t walang lumalabas na boses sa bibig ko. Ang mga mata ko ay natatakpan ng luha at unti-unting nalalaglag. Ang pintig ng puso ko ay parang tambol na dumadagondong. Para akong tuod na nakatayo na hindi makapagsalita at makakilos.

Si Uncle Vic, ang tunay niyang pangalan ay Victor Lizardo ay katulad ko na isang OFW. Siya ang tumulong para marating ko ang Saudi Arabia. Siya ang dating chief accountant ng aming kompanya. Sa taong 1998, lumipat siya sa ibang kompanya at sa Jeddah siya na assigned hanggang ngayon.

Ngayon ang hinahangaan kong Uncle ay wala na. Maagang pinana ni Kupido. Ang kaniyang mga labi ay nasa Jeddah – ang layo ay 12 hours ang biyahe ng bus mula Riyadh. Kung tratrabahuhin agad ng kaniyang kompanya ang kaniyang pag-uwi, one week to one month ay lilipad pauwi sa Pinas na isang malamig na bangkay.

Ito ay isa sa totoong mukha ng pagiging OFW. Nang lisanin n’ya ang Pinas at pamilya ang baon ay luha, matinding lungkot at pangako sa kaniyang mga mahal na sa pagbalik niya ang pasalubong ay saya, nguni’t kabaliktaran ang nangyari dahil sa pag-uwi niya lungkot at pighati ang mamumutawi. Hiling ko kahit isang maikling dasal para po sa kaniya.

Ilan pa kayang OFWs ang papanaw sa pagtupad ng mga Pangako para sa ikabubuti ng Pamilya?

Reblog this post [with Zemanta]

Thanks for your time at sa mga dasal ninyo.

Paul Pruel/Riyadh

Categories: Blog Mga Marka:, ,

May Bukas Pa—Ang Pagtatapos

Pebrero 5, 2010 pruelpo 16 mga puna


Ang record na ito ay from part-1 to part-10, nguni’t ang part 2, 3 & 6 ay ‘di tinanggap ng youtube – puwede n’yo mapanood ang part -2, 3 & 6 sa aking facebook nandoon sila Part 2, 3 & 6.

Wala po akong intention na labagin ko ang copyright nitong dramang "May Bukas Pa" ng ABS-CBN, nagkataon lang po na ako ay isang "Kapamilya" na kasalukuyan ay nandito po sa bulubundukin ng lawang buhangin, dito sa banyagang dampi at init ng hangin, dito sa lupang ang talon, batis at baybayin, ay balon ng langis na kinang ang angkin(KSA).

Nawa’y huwag po akong ihabla ng management ng ABS-CBN. Finale kasi ito ng MayBukasPa, kaya naisipan kong kuhaan ng video gamit ang celfon ko ang mga huling tagpo – ang pagtatapos nito kahapon (Friday) Feb. 5, 2010.

Ang daming pinatawa, pinaiyak ni Santino sa dramang ito. Ilan beses kaming nasunugan ng aming nilulutong pagkain huwag lamang madisturbo sa panonood. Para bang hindi kumpleto ang araw namin dito sa KSA kapag ‘di kami nakakapanood ng May Bukas Pa – ang ganda kasi nitong drama. Salamat ABS-CBN at sa lahat ng mga nagsiganap super silang lahat.

 

Thanks for your time.

Paul Pruel

Visit Magkape Tayo

Digg This
Categories: Blog Mga Marka:, , , ,

DonDon on Deathrow

Enero 20, 2010 pruelpo 68 mga puna

ANG IPANAWAGAN NA TULUNGAN PO SI DONDON NA MALIGTAS SA TIYAK NA KAMATAYAN AY SA PALAGAY KO PO AY NAAAYON SA BATAS NG TAO AT MAGANDA PO ITO SA MATA NG DIYOS.

Ang mga photos sa slide show ay si Rodelio “Dondon” Celestino Lanuza. He is an OFW on KSA Deathrow and was incarcerated here in Dammam Central Jail since August 15, 2000. He was sentenced to death by Beheading. He is appealing help from our Government to save him from Death Sentence.

On November 24, 2009, I posted my article entry entitled: Anino ng Pangamba. Isang sitwasyon na kinasasadlakan ko noon na gumulo sa aking isipan – dahil sa bawat paglirip ko sa mga ulap, sa likod nila ay masisinag ang anino ng pangamba, na puwede maging sanhi na maudlot ang aking mga magagandang pangarap para sa aking pamilya.

Pinilit kong itinago ang lungkot at pighati na aking naramdaman dahil ‘di ko man lang naiparanas sa aking magi-ina ang isang masaganang noche buena sa besperas ng Pasko at Bagong Taon.

Akala ko ako na ang pinakamalungkot na ama at asawa sa nagdaang Pasko at Bagong Taon. Iyon pala ay wala pa sa kalingkingan sa nararanasan ngayon ni Dondon, na kasalukuyang nakakulong sa Dammam Central Jail mula pa noong 2000 hanggang ngayon sa salang pagpatay sa isang Saudi national.

Dondon arrived in the Kingdom in 1997. Nagtrabaho sa kompanyang Khafji AOC na ngayon ay ARAMCO bilang Arch. Draftsman sa edad na 22. At nakulong siya sa edad na 25.

On Jan. 18, 2010, nakausap ko siya sa kaniyang celfon. Hindi ko man nakita ang kaniyang mukha, ang kaniyang mga hikbi at ang pagtulo ng kaniyang mga luha, naramdaman ko ang kaniyang pighati dahil tulad ko siya na isang OFW.

Sa kabila na hinihintay niya ang takdang araw na siya ay pupugutan na ng ulo – di parin siya nawawalan ng pag-asa na matulungan siya ng ating pamahalaan, katulad sa mga tulong na iginawad ng pamahalaan ng ibang bansa sa kanilang mga kababayan na nasa deathrow rin dito sa Saudi Arabia nguni’t nakalaya na dahil may ginawang actions ang kanilang pamahalaan.

Ang pakiusap ngayon ni Dondon, nawa’y bago man lang magpaalam si Presidente Gloria Macapagal Arroyo sa Malakanyang bilang presidente this 2010, matulungan si Dondon na maligtas sa bitay.

Hiling ko rin lalo na sa mga presidentiables na tatakbo sa May 2010 election nawa’y ang karapatan ng mga OFWs na naglipana sa mundo ay maalagaan ng maayos at MAPASAMA SA KANILANG MGA PLATA PORMA. Dahil ang mga OFWs ay handang MAGPAKAMATAY at MAGPAKAHIRAP sa ibang bansa para maitaguyod ang PAMILYA at MATULUNGAN ang PILIPINAS na LUGMOK na sa DALITA!

Thank you for your time.

Paul Pruel

OFW (Over Financially Worried)

Riyadh, KSA

Reblog this post [with Zemanta]
Digg This
Categories: Blog Mga Marka:, , ,

Simple Lang Para Maging Masaya

Pebrero 4, 2010 pruelpo Mag-iwan ng puna


Dalawin mo ang iyong hardin
Sa likod ng inyong bahay

Pumitas ka ng mga bulaklak
Na may sari-saring kulay

‘Di sa pamamagitan ng iyong kamay
Pitasin sila gamit ang mata

Pagkatapos hanapin mo
Ang halaman ng buhay

Ang katas ng kaniyang bunga
Ay tubig na papatid sa iyong uhaw

Kunin mo sa pamamagitan
Ng pagkagat ng iyong labi

At kapag ika’y nagtagumpay na
Sumaglit ka sa iyong kaibigang nalulungkot

Gamutin mo ang kaniyang lumbay
Ng isang masayang awitin ng pagsinta

At aawitin ng iyong kaluluwa
Kasabay ang indayog ng pagmamahal…

Mga Igan, magkape muna tayo Walang Kasing-Sarap Ang kape Ko!

Categories: Blog Mga Marka:, ,

Ang Magmahal Ay Pagpapatiwakal

Enero 28, 2010 pruelpo 20 mga puna

(Thanks to Wikipedia for this photo)
Ang alamin nang lubusan
Ang pag-ibig na wagas at tunay
Ay landas patungo sa hukay
At paghinto ng iyong buhay…

Ang ipikit ang mga mata
Sa mga bagay na nakikita
Ang manatili sa kinaroroonan
Dahil sa takot na masaktan…

At sa pagsisinungaling ay nanindigan
Habang nananangis ang katotohanan
Sumisigaw na bigyan ng kalayaan
Buksan ang mata sa katotohanan…

Ang hawakan mo si kupido
Kasama ang mahiwagang pana
Upang ikaw ang s’yang tumudla
Sa puso ng mahal mong sinisinta…

Ang talikuran ang katotohanan
At maniwala sa mga mapanira
Ang paglimot sa mga alaala
Sa buhay mo ay nagpasaya…

Ang pagputol ng tulay
Na nagu-ugnay sa nakaraan
Ang umibig sa sigaw ng isipan
Hindi ang itinitibok ng puso…

Ang magmahal para sa kabutihan
Sa kasamaan, sa kaligayahan
Sa matinding kalungkutan
At walang katapusang kabiguan…

Ang magmahal na wala sa sarili
Na walang pagpapahalaga sa panahon
Ang magpatawad at lumimot
Dahil hindi na kaya ng puso…

Ang isakripisyo ang panaho’t kinabukasan
Para sa lahat na iyong minamahal
Sa ngalan ng dakilang pag-ibig
Ay hudyat ng pagpapatiwakal!

Thank you for your time.

Categories: Blog Mga Marka:, , ,

Tutubing Lumipad sa Kulungan Napadpad

Enero 23, 2010 pruelpo 20 mga puna

uploaded on April 23, 2009 thanks to bualaw07
Anong sakit at anong saklap, ang sinapit ng isang tutubing nangarap, sa katauhan ni Rodelio “Dondon” Celestino Lanuza, lumipad siya patungong Arabia sa taong 1997, nag-iwan ng pangako na sa pagbalik niya ang pamilya’y giginhawa?

Nguni’t sa kasamaang palad si Tutubing Dondon ay naipit at nagipit, sa dinapuan n’yang sanga siya’y nalaglag at bumulusok pababa. Ang kan’yang mga pakpak ay nawarak at ‘di na makalipad at tuloy sa piitan siya’y bumagsak!

On January 22, 2010, sinikap kong kunin ang ilang impormasyon at ang kaniyang mga saloobin, ang kaniyang mga agam-agam, takot at mga pangamba at ang dahilan kung bakit siya ay nasa piitan. Sa pamamagitan ng pagtawag sa celfon niya, text messaging at emails.

Pruelpo: Ang misis mo rin ba ay nagwowork sa Dammam?

Dondon: — sa King Fahd Military Medical Complex, Dharan po siya nagwo-work as a Ward Clerk with a 1,000.00 SR. monthly Salary po.

Pruelpo: Nakakadalaw ba siya sa iyo Diyan?

Dondon: — opo nakakadalaw po siya sa akin isang beses sa loob ng isang buwan.

Pruelpo: Ilang taon na kayong kasal ng misis mo?

Dondon: –Kami po ay nagpakasal noong September 13, 2004 at napanood po ito sa TFC . Nakilala ko po ang aking Asawa dahil ang kaniyang Tiyuhin ay nakasama ko po mismo dito sa loob ng kulungan. Kami po ay nagkausap sa telepono at gaya ng ibang tao ay napunta ang aming usapan sa pag-iibigan at sa huling yugto ay nakasal kami na may basbas ng Jail Management at ng Governor Office.

Pruelpo: Hindi mo ba hinahanap-hanap ang mga paglalambing ng iyong dalawang anak?

Dondon: –‘Di lang po ng 2 anak kundi pati Asawa, Magulang, Kapatid at Kaibigan

Pruelpo: Malalaki na ba ang mga kids n’yo?

Dondon: — Pauline 15 at Paolo 12. Sila ay  twice napahinto sa Pag-aaral dahil di po namin matustusang mag-asawa. Lumalaki na po sila at lumalaki din ang pangangailangan nila.

Pruelpo: Nasaan ang mga kids n’yo ngayon?

Dondon: — nasa Bacoor, Cavite po sila.

Pruelpo: Sino ang naga-alaga sa kanila?

Dondon: — sa ngayon po ay Lolo po nila.

Pruelpo: Alam ba nila ang nangyari sa iyo?

Dondon: — opo at umaasa pa din na makakasama nila ako.

Pruelpo: Hindi ka ba nahirapan na sabihin iyon sa kanila?

Dondon: — sa pananaw ko po sa buhay ay dapat maging totoo po tayo sa lahat ng mga ginagawa at mga salita.

Pruelpo: Sa taong 2000 nang hindi ka pa hinatulan ng kamatayan puwede mo bang ekuwento sa akin ang naging damdamin mo?

Dondon: — nung time po na nangyari ang Crime ay malakas po ang loob ko na maaabswelto ako dahil alam ko po na kahit sinong tao ay gagawin ang ginawa ko sa oras ng kagipitan.

Pruelpo: At nang hatulan ka na ng death sentence noong 2002, ano ang naramdaman mo at papaano mo ito tinanggap?

Dondon: — hanggang ngayon po ay di ako makapaniwala na nakakulong ako at di ko po matanggap ang katotohanan. Naguguluhan po ako sa Batas ng Islam re. Eye for an Eye! May advantage po ito at may disadvantage. Sa tinagal ko po dito sa loob ay maraming nakalaya na mga Murder Cases na napaka-bigat na pagpatay. Nandyan po yung sinunog ang bangkay pero pinatawad ng namatayan ang pumatay at nakalaya na. Paano naman kung ang kaso ko ang pag-usapan natin at di ako pinatawad? Parang laro ng Kara o Krus po ang buhay ng Murder Cases dito. A simple swing of coin to know your fate. Si OFW Nonito Abono na 2 ang pinatay pero nakalaya. Alam ko po na naintindihan niyo ang paliwanag ko.

Pruelpo: Bago ka nakulong balik Islam ka naba noon? Or pumasok ka nang ikaw ay nasa piitan na?

Dondon: — August 15, 2000 po ako nakulong at pinag-aralan ang Islam sa loob ng 10 buwan. At nag-embraced po ako sa Islam nuong June 12, 2001.

Pruelpo: Ang pagpasok mo ba sa Islam ay agad sinang-ayunan ng misis mo?

Dondon:Muslim na din po ang aking Asawa.

Pruelpo: Ang pangalan mo hindi na ba binago, nanatiling Rodelio "Dondon" Celestino Lanuza ito?

Dondon: –Eesa po ang naging pangalan ko sa Islam pero di pa din po mawawala ang luma kong pangalan gaya ng mga ibang nag-muslim.

Pruelpo: Sa kinalalagyan mo ngayon papaano ang pagkilos mo?

Dondon: — maganda po ang facility ng kulungan pero kahit ano pa ang sabihin natin ay kulungan pa din na natanggalan ka ng laya. Bargaining po ang pakiramdam ko! Minsan tanggap minsan hindi minsan parang panaginip! Napakahirap po!

Pruelpo: Papaano mo pinakikisamahan ang mga taong nasa paligid mo?

Dondon: — dapat po mahaba ang pasensya mo pero awa po ng Diyos ay ginagalang po ako dito.

Pruelpo: Kani-kanino ka lumapit para humingi ng tulong na masalbar ka sa kaso? Meron bang nangyaring actions?

Dondon: — halos lahat po ay nilapitan ko na pero patuloy pa din po akong umaapila kahit kanino. Ang iba ay nakagawa ng aksyon pero karamihan po ay mga pangako lang na napako. Nasa Aggrieved Party pa din po ang buhay ko. Isa lang po ang nakikipag usap sa Aggrieved Party at dito lang umaasa ang ating Embahada na bakit ‘di po nila gawin ang lahat para malapitan ang pamilya at mapatawad po ako?

Pruelpo: nakuha mo bang lumapit sa mga Filipino Community groups d’yan at sa buong KSA?

Dondon: — sinubukan ko na po pero wala po mga sagot.

Pruelpo: Ano sa palagay mo ano ang dahilan bakit hindi ito naging matunog sa kabilang matagal na itong nangyari?

Dondon: — sa tingin ko po ay naging abala lang ang mga tao sa kanilang mga trabaho o sa pang araw-araw na gawain kaya di po gaano napansin ang aking kaso.

Pruelpo: Puwede mo bang ekuwento ang buod kung papaano mo napaslang ang arabong yon?

Dondon: — sinaksak niya po ako sa leeg.  Bumaksak po ako at sinundan ng saksak na hinarang ng palad ko. Sa pangatlong saksak niya po sa akin ay buong pwersa ko po hinawakan ang talim ng kutsilyo at naagaw sa kanya at naisaksak ko po sa kanya. Di ko po alam na namatay. Tatlong buwan na po ako sa kulungan ng dinalaw ako ng Embahada at sinabi nila na napatay ko po yung arabo.

Pruelpo: Puwede mo bang ekuwento sa akin ang kasalukuyang saloobin mo ngayon – habang naghihintay ka ng tulong mula sa gobyerno natin?

Dondon: — hanggat may buhay may pag-asa po at patuloy po ako lalaban at mananawagan kahit kanino po.

Pruelpo: Papayagan mo ba na gamitin ka ng tao o mga grupo ng tao para pagkakitaan?

Dondon: — Hindi po!

Pruelpo: Ano ang masasabi mo sa mga lumalabas na usap-usapan na – ang sitwasyon mo ngayon ay ginagamit ng isang tao o grupo ng mga tao upang pagkaperahan?

Dondon: — Taon 2005 ay may nabalitaan po ako na nakapag-bigay po ng tulong pinansyal na halagang 7,000.00 SR. ngunit wala po ako natanggap. Naglabas po ako ng aking pakikiusap sa tulong ng isang kababayan na iparating sa ibang tao – na huwag gamitin ang aking pangalan para sa kanilang pangangailangan. Naniniwala po ako sa karma at sa Diyos na lang po makipag-ugnayan ang mga taong manloloko.

Pruelpo: Ano ang reaction mo patungkol sa isang artikulong nalimbag sa www.philstar.com noong January 17, 2010 na ang pamagat ay Ligtas sa bitay, patay sa utang.

Dondon: Napaka-gandang balita po kung totoo sana ang nasa Diyaryo. Pero nandito pa po ako sa loob ng kulungan. Naguguluhan na po ako. Bakit ‘di po ayusin ng DFA ang mga Major Cases ng OFW? Bakit hinayaan lang nila ang Embahada ang kumilos? Bakit ‘di po magpadala ng Legal Team ang DFA para sa mga Major Cases? Sa President ng Reconciliation Committe ng Eastern Province lang po umaasa ang Embahada sa Kaso ko. Dapat po ay magpursigi ng husto ang ating Pamahalaan dahil minsan lang po mangyari ang pagbibigay ng Pardon dito sa Kaharian. Sana mag-ingat po tayo sa pagpapalabas ng mga balita sa pahayagan dahil buhay ko po ang nakasalalay dito.

Si Dondon ay isa sa milyong tutubi (OFWs) na lumayo upang sa ibayong dagat ay hanapin ang suwerti, ang kapalit ay mga sakripisyo sa buhay, relasyon, kinabukasan at marami pang iba. Nasaan siya ngayon? Siya ay nakakulong naghihintay ng tulong na maligtas siya sa KUKO ni KAMATAYAN!

 

Thank you for your time.

Paul Pruel

OFW (Over Financially Worried)

Riyadh, KSA

Reblog this post [with Zemanta]

I wanna Start my Day with Prayer

Enero 19, 2010 pruelpo 1 puna

I wanna start my day with prayers. Thanks to youtube.com and my youtube friends who uploaded these videos and I am still counting…just watch the videos, guys.

2 great singer of all time Josh Groban & Lani Misalucha… live in Manila October 18, 2007, uploaded on September 12, 2008 by tekwin20.

Charice Pempengco, Gary Valenciano, Jed Madela Performed ‘The Prayer" at ASAP09, uploaded on February 07, 2009 by marlejen09

Celine Dion and Josh Groban singing live – uploaded on Nov. 30, 2008 by karks2008.

Sissel, the international singing sensation from Norway, is one of the finest sopranos of the world. Her crystalclear voice has made Sissel a national institution in Norway. Sissel has sung all over the world, selling six million solo albums. She contributed the haunting vocal tracks for the soundtrack to Titanic. She has been doing great duets with singers like Placido Domingo, Charles Aznavour, Taro Ichihara, Bryn Terfel, Jose Carreras, Russell Watson, Neil Sedaka and Josh Groban. A very remarkable voice you only hear once in your lifetime. This stunning perfomance is taken from the Nobel Peace Prize Concert in Norway 2002, uploaded on December 27, 2008 by sisselfan.

Thank you for your time.

Paul Pruel
my other world Click here

Reblog this post [with Zemanta]
Digg This

Why Cheating so Rampant?

Enero 12, 2010 pruelpo 20 mga puna

holding hands Cheating in our society is an epidemic disease that causes pain in our lives, our safety and the living conditions of people.

Cheaters are not discouraged because no one stands up to be called upon to account for their actions. We tolerated and disregarded these wrongs and we don’t care about them so cheaters are continuing cheating (sana magkaroon ng totoong pangil ang batas natin).

In Philippines, politicians are fighting for power and are using the innocent masses to acquire it (sana matoto na tayo). The one who are paying the price for this are the poor people and the country. Kawawa na naman si Juan Dela Cruz. Sana walang dayaang mangyari sa darating na eleksiyon– kung sakaling ‘di maiwasan nawa’y konting bawas at makonsensha. Kaya lang pinapatay nila si Konsensha para walang humadlang na gawin ang kinalulugdang gawain. Maliban na lamang kung makikialam si Bro (‘wag lang Siyang maging busy).

Other reasons why people cheat is because of poverty – no jobs and no food in the table; other cheat to seek sexual adventure and excitements; other cheat because they lack of dedications and commitments in their professions and still other cheat just for fun.

In our children cheating is also distinct. In school students cheat to get high grades during examinations. Cheating here cannot be stopped but we can help to reduce it and it should start at home so that when they grow up they would become responsible, honest and god-fearing citizen.

When the children come home from school, the parents should find time to check in their notebooks, offer helps to do their assignments, to make their school projects and encourage them to become studious – by doing these, these children would feel that their parents are caring for them.

Pushing to our children to excel in all academic performances causes depression among our children and teenagers. Depression would diminish our children’ ability to think actively and weakens their appetite for food; they would become not active in school and their studies; they would cheat during examinations to get high grades because if they failed their parents would punish them.

Sa ibang banda hindi rin ito maipagkakaila – many children cheat because they see their parents (themselves) doing it (cheating). Minsan nalaala ko na ang Nestle noon ay nagpalabas ng commercial that goes something like "Kung anong mali ang nakikita ng bata, na palaging ginagawa ng mga magulang niya, ay nagiging tama sa kaniyang mga mata."

Pushing also drive children to mingle bad company of friends, who are also experiencing the same problems. Parents should know that “bad company corrupts good character of a child” and the worse thing is that, this company of friends would encourage these children to engage them to use marijuana and other prohibited drugs. With these drugs they could find peace and temporary relief and forget their studies. Eventually these children would become drug addicts and would commit crimes in the future against society such as to cheat.

However, children should understand that parents want only the best for them and that is why they push them to excel in academic performance. Pushing should not distract them. In case they feel depressed, they should treat that feeling positively. They should realize that depression is normal feeling. The trick is to learn to manage it.

Teachers in school should treat their students like their own children. They should be patient to teach their students’ lessons with dedications and commitments. They should tell their students about the bad effects of cheating in their lives.

But what is of more importance is communication between parents and children. Parents should always communicate with their children as often as possible. Often communication can relieve their children’s emotional distress. Parents should find time to discuss with them all matters and to hear their side. Parents should understand that teenage is a delicate time in a child’s life. Children need guidance, understanding, compassion and love.

Thank you for your time.

Paul Pruel

Click My World is Your World Too

Reblog this post [with Zemanta]
Digg This
Categories: Blog Mga Marka:, ,

DXN—the Market Leader in Ganoderma Business

Enero 10, 2010 pruelpo Mag-iwan ng puna

DXN has touched the lives of so many people since its inception in 1993, by serving as the pioneer and market leader in Ganoderma business throughout the world. DXN is one of the world fastest growing network marketing organization with operation over 137 countries.

Thanks for your time.

Paulino O. Pruel
DXN no. 144069928
http://wellnessincome.blogspot.com
emai add: ppruel@yahoo.com

Digg This
Categories: Blog Mga Marka:,

Balimbing

Enero 7, 2010 pruelpo 6 mga puna

Mahilig ba kayo sa Balimbing (carambola o star fruit)? Ito ba ay masarap kainin? Ang Balimbing daw ay tumutulong na pababain ang sugar levels in diabetics at ginagamit din ito as a diuretic in Chinese medicine.

Ang prutas na ito ay kalat sa Pilipinas, lalo na po kapag panahon na ng eleksiyon, seguro dahil panahon na ng Balimbing na mamunga siya.

Dahil nga po kalat na ang Balimbing, malapit na kasi ang eleksiyon – isang paalaala lang po ito mga mahal kong kababayan.

Thanks to Market Manila sa magandang photong ginamit ko dito.

Balimbing

Tila yata hitik na hitik sa bunga

Ang halaman kong nananariwa sa ganda

Pagmasdan n’yo labi ay pulang pula…

 

Pero hinayhinay sa balimbing kabayan

Huwag sanayin yaring kagustuhan

Para hindi ka mapulaan…

 

Ito ay hindi magandang kaugalian

Dati busilak kuno sa katapatan

Ngayon kabaligtaran ng katotohanan…

 

Gulong-gulo na ako kabayan

Sino ang dapat pakinggan

Ang balimbing O ang iniwan?

 

Dati magkahawak kamay

Banaag ang saya sa kanilang kilay

Pero saglit lang nagkahiwahiwalay…

 

Hay Naku! Politika

Ma aksyon na, ma drama pa

Sa Pinas lang talaga!

 

Thanks for your time.

Paul Pruel

My World is Your World Too

Digg This