Is Feeling Lonely an Excuse? Marso 4, 2009
Posted by pruelpo in Blog.Tags: abroad, bawal, bigkis, bisig, bukal, bukas, inspirasyon, kabataan, kaibigan, kalungkutan, karimlan, kati, kumaringking, lakas, lowanag, lungkot, maawat, mangulila, masilayan, masira, naparam, nararamdaman, obligasyon, orasan, pamilya, pangangati, pangarap, patak, pinanabikan, relasyon, sakripisyo, susi, tunog, yumanig
trackback
Paul Pruel
Riyadh City, KSA
Ang pag abroad ay isang malaking sakripisyo sa mga married or singles. Dahil sa kahiripan sa bansa natin, walang mapasukan or mayroon man ay ‘di sapat para sa araw-araw na gastusin – napilitan si mister o si misis na mangibang bansa para kumita na sasapat sa mga kailangan ng pamilya. At tuparin ang kanilang mga pinangarap sa ikabubuti ng kanilang mga naiwan sa Pinas.

Subalit pagkaraan ng isang taon o dalawang taon si mister o si misis ay kumaringking. Katwiran nila dahil sa lungkot na kanilang nadarama para sa kanilang pamilya – kaya nakipagrelasyon sa iba at unti-unting napabayaan ang obligasyon sa pamilya. Masarap kasi iyon lalo na sa ganitong bawal.
Ang kalungkutan ba ay sapat na rason para masira ang magandang pamilya? May magagawa ba tayo para maiwasan ang ganitong sitwasyon? Isusuko ba natin ang ating mga magagandang pangarap para sa pamilya dahil lamang sa malayo tayo o sa ‘di maawat na kati ng ating laman?
Mula sa puso, dapat ang isipin natin ay yong pagdating ng katapusan ng buwan – pera yon… hehehe at ang kalungkutan na nararamdaman natin sa pamilya’t kaibigan at sa mga bagay na minsa’y ating pinanabikan ay ‘di dapat maging susi iyon para tayo ay malungkot.
Nang Ako’y Malungkot Dito Sa Kaharian, KSA
Sa harap ng umiikot na orasan ako’y nabahala
Takot sa bawat segundong paglipas
Lakas ko’y unti-unting naparam
Katawan ko’y nanghina
Sa isip ko ako yata’y tumatanda
Di naglaon lumubog ang araw sa kanluran
Ilaw nito’y naparam
Kadilima’y bumalot sa sangdaigdigan
Narinig ko ang pighating sinisigaw
Sa loob ng aking kamalayan
Singlakas ng tunog ng kidlat
Yumanig sa kapaligiran
Panaghoy ng kasiphayuan
Takot pagdating ng bukas
Karimlan ang aking masilayan
At sa gitna ng madilim na sulok ng pangungulila
Mga mata ko’y lubog ng luha
Unti-unting dumaloy ang dalisay na tubig
Sing-lamig ng tubig sa batis
Walang puknat ang pagdausdos
Hanggang masaid ang bukal
At kusang huminto ang kanyang mga patak
Di naglao’y tumilaok ang relong nakahimlay sa dingding
Tuloy inasam kong na sana umikot pabalik ang orasan
At ibalik ang oras ng aking kabataan
Kung saan tahimik akong nanimlay
Sa loob ng tahimik na mundong bumalot
Nag-aruga at nagbigay buhay sa akin
Ang hininga n’ya’y nagbigay lakas sa akin
Bawat hakbang n’ya’y dumuyan sa akin
At sa bawat saya na kanyang tinamasa
Ng Inang mahal pintig yaring buhay
Sa liwanag ako’y kanyang pinagpala
Sa malawak na kaparangan
Mga nakatayong magagandang halaman
Mga tanawin sa kabukiran, mga alon sa karagatan
Mga ulap sa kalangitan
Kasabay ang mga nagliliparang ibon sa himpapawid
Ang pagaspas ng kanilang mga pakpak awit ng kapanatagan
Napagmasdan ko ang busilak ng haring araw
Sa bawat umagang nasa bisig ako ng Ina kong mahal
Kasama ang malambing hangin amihan
Humahaplos sa musmos kong hubad na katawan
Ngayon heto ako nananabik sa Inang Bayan
Sa isang kahariang ibang-iba sa mundo ko noon
At pawang alaala na lamang
Ang namamayani sa aking puso’t isipan
Ang munting mundo ng aking kabataan
Pero…
Kasabay ang pangakong ‘di ako padadaig ng lungkot
Dahil ang buhay ko noon ay karugtong sa buhay ko ngayon
At ang milya-milyang layo ko sa aking mga minamahal
Ang pangungulila ng kanilang matatamis na ngiti
Ang kanilang mga yakap ng pagmamahal
Ay dapat maging inspirasyon ko
Upang ipagpatuloy ang sigla ng buhay
Sa pagharap ng bukas na mayliwanag na naghihintay
Kasama ang pamilya kong nananabik sa aking pagbabalik
Sa napakagandang Inang-Bayang-tinubuan…


this is not an excuse.
siguro, normal lang yung maging close ka sa opposite sex mo pero the mere fact na papatulan mo siya (or mag se sex kayo, sorry ha, prangka lang), eh dapat siguro, hindi mo na dapat pag-isipan kung tama o mali yang gagawin mo.
in short, pumunta ka sa abroad pra mag trabaho. hindi para sa leisure.
tumbok mo igan foobarph – nasa abroad tayo para magtrabaho di para sa leisure…pero may pagkakataon din na puwede natin pagsabayin ang work at leisure (di ko itinuturo yon ha) napagu-usapan lang. salamat sa komento. musta na?
ang ganda ng tula mo paul. i suggest ipunin mo and make a book out of it. konti na filipino literature natin but the new local bookstores are giving special emphasis to local authors. tapos me special section sa bkstore. baka me kilala ka rin mga local band, share mo yung poems and who knows baka malagyan ng melody..
pinoys are very poetic and sometimes they express it well thru music..
my two cents worth..
“konti na filipino literature natin but the new local bookstores are giving special emphasis to local authors. pinoys are very poetic and sometimes they express it well thru music..”
Thanks a lot for your insightful comments Ms. Mobilemartha, wish too that other bloggers would read this message…to inspire them to write poems gamit ang ating sariling wika. if you deeper under a category “tsapbuk” marami kanang mababasang mga tula – sila ay mga awit ng aking puso. yes sa pamamagitan ng blogsite kong ito na ginawa kong baul para sa aking mga hinabing tula. sana nga ho time will come na ako’y maykakayahan para gawin sila as a book file – budget ang kailangan nito hehe. musta na?
is feeling loneliness an excuse??~~
i have a diff opinion. who are we to judge the others?
i remember when my husband went to london for a 3-month project, it’s crazy time for me! i was so excited that he’ll go to london. tapos 1 week pa lang sya doon i feel miserable that i miss him so much. i bury myself to work almost everyday.. how much more malayo sa asawa o pamilya mo ng matagal.
maybe not everyone can be strong. so maybe our gov’t & the other NGOs shld have a program to not just orient but create mindset training & goal-setting training for our OFWs on how to battle homesickness, too much freedom and setting of priorities. dapat i-take ng worker ang training before going abroad.
maybe Paul, it can be a good social project that you can do.gawa ka ng programa para sa mga kababayan natin dyan! after all, ikaw e matibay! sori ha, binigyan kita ng assignment! hahahaha.. have a great weekend!
“how much more malayo sa asawa o pamilya mo ng matagal. maybe not everyone can be strong. so maybe our gov’t & the other NGOs shld have a program to not just orient but create mindset training & goal-setting training for our OFWs on how to battle homesickness, too much freedom and setting of priorities. dapat i-take ng worker ang training before going abroad.”
Hindi talaga biro ang malayo tayo sa ating mga minamahal kaya lang we have no choice dahil ito ang kailangan para umusad at mapaganda ang pamumuhay nila.
Ang mga OFWs bago paman lumabas sa Pinas sila ay dumadaan sa PDOS, doon sila ay binibigyan ng mga guidelines at orientations patungkol sa daratnan nilang bansa, lalau na kung papaano nila haharapin ang lungkot para sa kanilang mga minamahal. Dahil nga ho tao lang tayo at kung minsa’y mahina ang ating pangontrol di lubos nakakayanan ang kalungkutan.
But there are a lot of things to fight homesickness – if you are sport minded maraming mga sports na puwedeng salihan, kung hilig mo ay magluto para malibang – mag experimento ka ng mga lutuin at yon ay pagkakapirahan pa, ialok mo sa ating mga kababayan – kung ang hilig mo ay magbasa, dito maraming mga babasahin books, newspapers at mga tabloid, kung ang hilig mo ay surfing internet dito ay naglipana ang internet cafe. Talaga marami ang puwede ilaban sa homesickness at homesexness nasa kanyang sarili na lamang kung papaano bigyan ng panahon at pagkakataon.
As for me ang magsulat ng kung anu-ano ay gamot sa aking pangungulila. Walang matibay sa lungkot. Nagpapasalamat ako na sa tuwing may nakikita akong mukha ng mga babae rito ang dating nila sa mata ko ay mukha ng asawa ko – di kaya ako’y nadaya na? LOL. salamat uli mobilemartha balik ulit.