jump to navigation

Heal The World Hunyo 30, 2009

Posted by pruelpo in Blog.
Tags:
add a comment

Through his music and videos, Michael Jackson will be remembered endlessly by millions of people around the world.


Yeah. That’s right. His music can Heal the World!

Full Version of Michael Jackson Tribute from the prison inmates: Cebu, Philippines Hunyo 29, 2009

Posted by pruelpo in Blog.
Tags: ,
add a comment

Full Version of Michael Jackson Tribute from the prison inmates: Cebu, Philippines

by Billy Altman

Earlier today, the 1,500 orange-jumpsuit-clad inmates of the Cebu Provincial Detention & Rehabilitation Center on the east coast of Cebu Island in the Philippines reprised their phenomenally popular 2007 viral performance of Michael Jackson’s “Thriller” to honor the King Of Pop, who died Thursday. After that, they performed this touching new tribute:



http://new.music.yahoo.com/blogs/stopthepresses/50813/prisoners-of-love-the-new-michael-jackson-tribute/

Pangulong Naging Kongresista Hunyo 25, 2009

Posted by pruelpo in Blog.
Tags: , , , ,
add a comment

(Ito ay isang sanaysay na sinulat ni Ginoong Fermin Salvador na isang dalubhasa na manunulat at makata ng panitikan at kultura ng mga Pinoy. Ang lathalaing ito ay originally ay nagmula sa http://groups.yahoo.com/group/KAMAKATAHAN/message/9476. Magandang basahin ito hindi lamang para sa mga Pinoy sa Pinas kungdi para rin sa mga milyong OFWs sa iba’t-ibang panig ng mundo. Enjoy reading at tayo ay magbulay-bulay.)

Waring isang “feelers” na sistematikong ipinakakalat ng mga “spin doctors” ng palasyo ang binabalak na pagkandidato ni Madam Arroyo sa pagkakongreswoman ng isa sa mga distrito ng Pampanga. Maraming maiisip na dahilan upang gawin niya ito. Maaaring may kinalaman ito sa tinatangkang pagbago sa nilalaman ng
Konstitusyon. Kapag ang sistema ng pamahalaan ay naging parlamentari, maihahalal siya ng mga kapwa taga-mababang kapulungan na magiging mga kinatawan rin sa parlamento sa pagkapunong ministro at nang minsan pa ay mahahawakan niya ang pinakamakapangyarihan na posisyon sa Pilipinas. Sa madaling salita’y isang sabwatan upang maipagpatuloy ang patronage politics na mas kilala bilang isang mafia na siya ang nagsisilbing godmother. May nagsasabi naman na kailangan niya itong pang-self defense sapagkat kahit ang posisyon ng isang kongresista ay may sapat na kapangyarihan upang maprotektahan ang sarili laban sa mga posibleng pag-usig at pagtugis sa ilalim ng magiging bagong dispensasyon.

Ang umiiral na prinsipyo sa malaking mayorya ng mga mambabatas sa bansa ay sariling interes, ganansiya, at kapakinabangan muna bago ang ibang bagay. Hindi uso ang katapatan sa mga ipinahayag at sinumpaang lapian at plataporma. Kaya sinuman ang nakaupong pangulo ay makaaasang kaalyado niya ang mahigit sa
walumpung porsiyento ng mga mambabatas laluna ang mga nasa Kamara de Rep. Ganito ang sitwasyon sa ilalim ng KBL ni Marcos, LDP ni Aquino, Lakas-NUCD ni Ramos, PMP ni Estrada, at ngayo’y KAMPI ni Arroyo. Walang maliit na lapian at programa sa presidenteng kasalukuyang nakaupo. Kung ang mga pulitiko ay mistulang mga “lobo” – parang hinipang lobo (balloon) ang isang lapian, gaano man ito kaliit at ka-insignificant sa simula kung ang lider nito ang pangulo ng bansa. Mula sa tatlong miyembrong kongresista ang Lakas-NUCD ni Ramos, na natalo kay Mitra sa primaries ng LDP, ay lumobo sa 300 miyembro nang si FVR ang naideklarang pangulo ng bansa. Wala halos kakampi si Madam Arroyo sa KAMPI bago niya nasikwat ang
presidensiya, at pagkatapos nito’y dumami ang kanyang kampon sa hanay ng mga lobo. Tagalaba at mga lobo: magandang kumbinasyon.

Sabihin mang may orihinal silang pakana na gawing punong ministro si Madam Arroyo, kasaysayan ang nagpapatunay na ang mga canine sa Batasan ang tanging lahi ng aso sa mundo na may pinakamaikling katapatan sa amo. Sa sandaling umalis ng Malakanyang ang kanilang amo, wala pang isang linggo o bago sila pumili ng magiging ispiker ay nakapagpalit na rin sila ng panginoon. Mapanghahawakan kaya ni Madam Arroyo ang suporta ng mga kapanalig niya kung hindi na siya pangulo at sa katunayan ay kalebel na lamang ng mga ito? Siyempre pa, sa mga panahong ito ng pagbubukas ng susunod na Kongreso ay may nahalal nang bagong pangulo. Kaya halos ang lahat ng taga-KAMPI ay tiyak na nakiki-kampai na bilang mga bagong kasapi ng lapian ng bagong pangulo.

Kapag nahalal bilang kongreswoman, tataglayin ni Madam Arroyo ang mga pribilehiyong kaakibat ng puwestong ito. Hanggang doon lamang. Samantala, bilang isang dating presidente ay dala-dala niya ang lahat ng bagahe nang may sampung taon na pag-iral ng kanyang administrasyon sa bansa. Walang paksang
pagdedebatehan sa plor na hindi mauungkat ang kanyang mga naging polisiya at desisyon, mula sa pinakamaliit na pagkakamali hanggang sa pinakamalaking kapalpakan, noong siya pa ang punong ehekutibo ng bansa. Kasali siya sa mga diskusyon ngunit hindi na bilang isang diyos-diyosan na pinagtitimpian, may
napakaraming alipores, at laging may panghuling salita bagkus ay isang peer na papatulan nang mano-mano, “no hold’s barred” `ika nga, sa harap ng sambayanang Pilipino na tiyak na susubaybay sa kanyang perpormans bilang isang “kakaibang tanawin” sa Kongreso.

Ang mga nabanggit ang ilan sa masasaklap na reyalidad sa pamahalaan at pamumuno sa Pilipinas. Ang mga mambabatas ay walang taglay na mga prinsipyong nakataga sa bato na hindi maaaring masaklawan ng pagbabago-bago ng “suwerte” sa halalan. Ang mga nasa ehekutibo naman ay di nakukuntento sa takdang-taning ng kanilang panunungkulan at isa sa nagiging dahilan ng pagnanais na manatili sa puwesto ay
ang pangamba na paglaon ay posibleng usigin at tugisin dahil sa naging mga pang-aabuso habang nasa poder. Ang mga lehislador na walang prinsipyo ay sama-samang kumukunsinti sinuman ang kasalukuyang pangulo habang ang pangulo ay kumukunsinti sa mga mambabatas sa isang taktikal na alyansa upang maisagad hanggang sa dulo ang biyayang kapwa nila matatamo. Sa halip na checks and balances at magsilbing mutuwal na tagapagpaalala sa limitasyon ng tanggapan ng isa’t isa, sa taktikal na alyansa ng ehekutibo at ilang lehislador ay kapwa nadaragdagan ang kanilang kapangyarihan at kayamanan.

DXN HEALTHY PRODUCTS Hunyo 21, 2009

Posted by pruelpo in Blog.
Tags: , ,
3 comments

Your health is your wealth and your happiness. Become a part of a World with one Market, one Company and one Mind. Become a wise consumer, and enjoy the benefits of being a DXN member/distributor!


(The prices indicated here are only for Saudi Arabia @1$=3.75SR)

1. Lingzhi Coffee (3 in 1) Retail Price SR.33.00 (US$8.80)
2. Lingzhi Coffee (2 in 1) Retail Price SR.33.00 (US$8.80)
3. Cocozhi – Retail Price SR.44.00 (US$11.73)
4. Ganozhi Toothpaste – Retail Price SR.20.00 (US$5.33)
5. Ganozhi Shampoo – Retail Price SR.29.00 (US$7.73)
6. Ganozhi Soap – Retail Price SR.18.00 (US$4.80)
7. Ganozhi Massage Oil – Retail Price SR.26.00 (US$6.93)
8. Morinzhi Juice – Retail Price SR.48.00 (12.80)
9. Mushroom Powder 22 grm – Retail Price SR. 61.00 (US$16.27)
10. Mushroom Powder 70 grm – Retail Price SR.187.00 (49.87)
11. Spirulina Candy 120 – Retail Price SR.56.00 (14.93)
12. Spirulina Candy 500 – Retail Price SR.192.00 (US$51.20)
13. Cordyceps – Retail Price SR.186.00 (US$49.60)
14. Body Foam – Retail Price SR.29.00 (US$7.73)
15. Lingzhi Tea – Retail Price SR.33.00 (US$8.80)
16. DXN Talcum Powder – Retail Price SR.24.00 (US$6.40)
17. Tea Tree Cream – Retail Price SR.20.00 (US$5.33)
18. Zhi Mint – Retail Price SR.76.00 (US$20.27)
19. Decolors Lipstick – Retail Price SR.47.00 (US$12.53)
20. Aloe V – Body Lotion – Retail Price SR.23.00 (US$6.13)
21. Aloe V – Facial Cleaner – Retail Price SR.23.00 (US$6.13)
22. Myco Veggie – Retail price SR.185.00 (US$49.33)
23. Kiwi Juice – Retail Price SR.62.00 (US$16.53)
24. Pineapple Jam – Retail Price SR.20.00 (US$5.33)
25. Perfume (Men or Women)- Retail Price SR.65.00 (US$17.33)
26. Ganozhi Complete Skin Series-Retail price SR.300.00 (US$80.00)

For info call these numbers: +966502143308 (paul pruel), +966508488941 (edwin mamaril) or send emails to: ppruel@yahoo.com or eqmamaril@yahoo.com.

Papaano Kikita Ang Gastos? Hunyo 18, 2009

Posted by pruelpo in Blog.
Tags: , ,
add a comment

elev_1By Paul Pruel
Overseas Filipino Workers
Riyadh, KSA

“Gastos na Kumikita” ay kasalukuyang tinatalakay sa isang forum na matatagpuan sa OFWGuide.com. You may visit the forum at mag join kayo sa talakayan. Ito ang link:
http://www.ofwguideforum.com/viewtopic.php?f=5&t=12791&start=0&st=0&sk=t&sd=a

Seguro malaking tanong ang sasagi sa inyong isip tulad ng “Papaano kikita ang gastos?” gastos na nga! Imposible di ba? Ang sagot jan ay Mag DXN!

Para sa Kapwa nating Manggagawang Pinoy sa Bahrain na gustong maging DXN Partners, mangyari na isama n’yo sa iyong listahan na pasyalan ang DXN center jan at para lalong masaya magsama din kayo ng inyong mga friends to attend the seminar. Ito ang location at contact person:

Daehsan Trading
103, 1st Floor, Yateem Centre, Manama, Bahrain.
Tel : 00973217710
FAX : 0097317217768
Email : dxnbahrain@yahoo.com
Contact Person: Mr Satish Kumar

At yong mga kababayan natin sa Jeddah na nagbabalak na maging DXN partners, mangyari lang ho na pasyalan ninyo ang DXN center jan para sa free seminar. Ito ang location at contact person:

DXN Center, 7th Floor
Al-Mahmal Building, Balad, Jeddah
Contact person: Mr. Benny
Celfon no. 0501087365

At yong mga kaibigan natin sa Damman samantalahin n’yo rin na mag attend ng free seminar sa DXN. Ito ang location at contact person:

Branch Name: H.A. AL HAJJAJ TRADING DXN
Address: 101, FIRST FLOOR, AL RAJHI BUILDING,
OPP:- AL RAJHI BANK, KING SAUD STREET NEAR DANA CENTRE, DAMMAM, KSA.
Contact Person: MR. JAMES MATHEW
Telephone: 96638321178

Ganuon din sa Al-Khobar. Isama n’yo na rin sa inyong listahan ang DXN center jan na inyong pasyalan, bisitahin para sa free seminar. Ito ang location at contact person:

Branch Name: Sulimana Abu Haimid Trading Est. DXN
Address: Al-Khobar, 31952, KSA
Contact Person: Mr. Ben Solis – Mobile: 0564482208

Ito ay napakagandang pagkakataon para sa ating mga OFWs. Ang DXN is just one step away. Nanjan siya kumikinang. Naghihintay na inyong kayapin, arugain at mahalin.

Paulino O. Pruel
DXN Int’l ID No. 144069928
Al-Batha, Riyadh Branch, KSA
Mobile No. +966502143308
Email: ppruel@gmail.com, ppruel@yahoo.com

Hunyo 12: Maraming Namatay at Nabuhay Hunyo 11, 2009

Posted by pruelpo in Blog.
Tags: ,
2 comments

Ni Paul Pruel
Overseas Filipino Worker
Riyadh, KSA

Taon 1898 ay isinigaw
Ni General Emilio Aguinaldo
paul.jpgAng araw ng kasarinlan
Ng bansang Pilipinas
Mula sa bansang Espanya
‘Di maipaliwanag ang kasiyahan
At kaligayahan na naramdaman
Ng ating mga ninuno
Kasabay ang pagwagayway
Ng makasaysayang bandila
Ang simbolo ng pagkakaisa
Ng mga mamamayang Pilipino
Kapalit ng maraming buhay
Na nalagas sa pakikibaka
Laban sa mga mananakop
At nalibing sa lupang hinirang
Na matagal nang nilapastangan
Ng mga banyagang kastila
Isang makasaysayang araw
Na kailan ma’y ‘di malilimutan
Ng bawat Pilipino sa mundo…

Ngunit ang Hunyo 12
Ay ‘di lamang para sa mga Pinoy
Marami rin pangyayaring naganap
At naisulat sa kasaysayan ng panahon
Na kailan ma’y ‘di mabubura
Na higit na bayolinte
At mas madugong kaganapan
Na naging sanhi ng pagkitil
Ng maraming buhay at mga pangarap…

Taon 1885, Hunyo 12 sa bansang France
Gumuho ang bubungan ng gusali
Na pinagdadausan ng murder trial
At natabunan ang tatlumpung katao
Sila’y namatay ng walang laban…

Taon 1889, Hunyo 12, 88 katao
Ang namatay sa Armagh rail disaster
Sa Northern Ireland , na nagdulot
Ng sobrang lungkot at pighati
Sa mga naiwanang pamilya…

Taon 1899, ang tornadong New Richmond
Ang pang walong deadliest tornado
Na sumalanta sa United states
At naging dahilan ng pagkamatay
Ng 117 katao at ikinasugat
Ng dalawang-daang katao…

Taon 1943, ang Holocaust
Umaga ng Sabado Hunyo 12
1,180 na Jews ang humarap kay kamatayan
Sila’y isa-isang pinagbabaril
Ng walang pakundangan at awa
At sama-samang inilibing…

Taon 1978, Hunyo 12
Si David Berkowitz
Na binansagang “Son of Sam”
Mamamatay-tao ng New York City
Ay nahatulan ng 365 taon na pagkabilanggo
Dahil sa kanyang pagpatay ng anim na beses…

Kung maraming yumaon sa petsang ito
Marami rin ang dumating na nagpamalas
Ng kani-kanilang lakas at galing…

Taon 1107 Hunyo 12
Ipinanganak si Gaozong
At naging emperor ng China
Umabot ang kanyang edad na otsenta
Namatay siya sa taong 1187…

Taon 1875, ipinanganak si Sam De Grasse
At naging Canadian actor
Na hinangaan ng milyon-milyong
Tagahanga dahil sa kanyang galing
Sa pag arte, namatay siya sa taong 1953…

Taon 1906 ipinanganak si Sandro Penna
Siya’y isang magaling na Italian poet
Na hinangaan ng marami
Namatay siya sa taong 1977…

Taong 1912 Hunyo 12
Si Jameel Jalibi ay ipinanganak
Siya’y isang Pakistani scholar
Manunulat at Urdu linguist
Na ipinagmamalaki ng bansang Pakistan …

Ang Hunyo 12 ay pang 163 na araw
Sa Gregorian calendar at pang 164 na araw
Kung leap years, ito rin ay Russia Day
Mula noong 1990 at Lover’s Day ng Brazil
Dia dos Namorados – ang tawag nila…

At para sa mga kabataan
Ang Hunyo 12 ay pang Daig-digang Araw
Upang ipagtanggol ang mga menor de edad
Na sapilitang pinagtratrabaho
At supilin ang Child Labor sa mundo!

Is it Proper to Seal Envelop with your Tongue? Hunyo 7, 2009

Posted by pruelpo in Blog.
Tags: , ,
6 comments

Friends were you with this practice… sealing envelop with your tongue? What if there were roach eggs on the seal of the envelope. And those eggs were able to hatch inside of your tongue because your saliva is warm and moist?

Anong Tugtugin Ang Dapat Sayawan Ng Mga Pinoy? Hunyo 5, 2009

Posted by pruelpo in Blog.
Tags:
5 comments

Ni Paul Pruel
Overseas Filipino Worker
Riyadh, KSA

Nang malathala sa PX-Arab News
Ang tulang Chacha tugtog ng pagbabago
elev_1Iba’t-ibang reactions ang dumating sa emailbox ko
At sa iba kong yahoogroups iyo’y naging talakayan
Sari-saring pagpuna at pagsang-ayon
Ang karamiha’y laban sa administrasyon
Ito’y pagpapatunay lamang
Na ang mga Pinoy ay gising
Ayaw nila sa charter change
Chacha sa bagong katawagan
Tugtugin na minsa’y kinagiliwan
Ngayon daw ay tugtugin ng panlinlang
Ayon kay kabayan Ronnie, na labis kong kinalugdan
Dahil sa agaran n’yang pagtugon
Sa mga naisangguni kong mga tanong
Napagtanto kong tunay ngang
Akma ang kanyang mga tinuran
Lahat po’y makabuluhan
Puso ko’t isipa’y naliwanagan
At tuloy naalaala ko ang kasabihan:

“Walang sekritong ‘di mabubunyag
Ang tunay na hangari’y mamamayagpag”

Ayon sa kanya, “Nang marinig ni Ramos
Ang gustong indayog ng lipunan
Agad itong nagtawag at nag-alok ng chacha
Mula sa malayo, sa bawat sulok ng bayan
Naghintay ang mga mamamayan na patugtugin ito
Ngunit ng magsimula na
Ibang tugtugin ang pumukaw sa kanila
Chachang ina-asam ay hindi pala
Bagkus ginamit ang chacha
Para sa puwesto ay mapahaba
Chacha ay tugtog ng panloloko
Ng mga politiko na ang hangarin
Ay humaba ang kanilang termino.”

Kung ang chacha’y para sa pagbabago
O ayon sa iba ay panibagong panloloko
‘Nawa’y dinggin ng ibang Pinoy
Sana, sila’y maglahad ng kanilang patotoo
Ilantad ang kanilang mga damdamin
Anong tugtog ang kanilang pipiliin
Yuyugyugan at sasayawan?

Ang maharot kaya na tugtuging chacha?
Ang romantikong tugtuging tanggo?
O ang sina-unang pandanggo?
Na may nakapatong ilaw sa ulo
Mga kamay ay may hawak na abaniko?

Sugod mga kabayan
Huwag mag-atubili
Dito n’yo ibato
Ang inyong mga boto
Pagtulungan natin himayhimayin
Ang bawat makabuluhang punto
Para sa ikabubuti ng bayan
At ng lahat na mga Filipino!