Mahalaga Ang Buhay: Mag-ingat sa Pagmamaneho, Kabayan Agosto 24, 2009
Posted by pruelpo in Blog.Tags: accident, car, road
add a comment
Alam natin lahat na ang aksidente ay nangyayari sa isang iglap na walang pasabi. Katulad ito ng isang kawatan na uma-akyat ng bahay para magnakaw na walang nakaka-alam.
Ayon sa SAHER’s statistic bawat araw na dumadaan dito sa Kaharian ng Saudi Arabia ay may 18 katao ang nalalagutan ng hininga sa car accidents (nakasagasa o nasagasaan): saudi nationals at expats.
Ang SAHER is an automated system to control and manage traffic using electronic systems covering major cities in the Kingdom, and the system uses network technology, digital cameras related to the National Information Center of the Ministry of the Interior.
At iwasan din na Makipagchat o mag SMS habang tayo’y naglalakad o tumatawid sa kalsada. Watch the video.
Thanks to ConceptVBS for sharing this video to the whole world.
Paul Pruel
Overseas Filipino Worker
Riyadh, KSA
OFW Event Part 3: OFW Ngayon, Paano Na Bukas? Agosto 23, 2009
Posted by pruelpo in invitation.Tags: ofw, dream, training, seminar, freedom
add a comment
All OFWs are welcome to attend. You will learn how to start your journey to freedom and achieve your dreams. It’s free anyway, so why no join us like-minded motivated and positive people. Seats are limited to 50 participants. Call or text Edwin at +966 508488941 for reservation.
Date/Time: August 27, 2009 at 9pm to August 28, 2009 at 12am
Location: DXN International Conference Room, 1st Floor, Akariah 1 Mall Food Court,
Olaya St., Riyadh, Saudi Arabia
Organized By: DXN International
See you there!
Bastos si Willie. Walang Respito. Plastic na Tao. Agosto 18, 2009
Posted by pruelpo in Blog.Tags: abs-cbn, bastos, plastic, walang respito, willie, wowowee
add a comment
Ito ang kalimitan na maririnig mula sa bibig ng mga nanonood sa kaniyang show na “Wowowee”. Pero bakit sa kabila na siya ay BASTOS, WALANG RESPITO at PLASTIC NA TAO, marami pa ring nahuhumaling na panoorin ang kaniyang show? At milyong tao ang kaniyang napapasaya.
Sa araw nang e transfer ang mga labi ng Dating Presidente Corazon C. Aquino mula sa San Juan to Manila, ang live coverage na ito ay napapanood din sa isang maliit na screen sa gitna ng noontime show ang “Wowowee” ni Willie Revillame. At sa hindi inaasahan – siya ay nakapagbitiw ng mga salitang hindi kanais-nais sa mga nakakarinig noon sa buong mundo.
Ito ang kaniyang tinuran:
“Hindi ho maganda sa atin. Nagsasalita, ipinapakita yung kabaong ni Tita Cory, hindi ba? Papano kami makapagsasaya, nahihirapan kami? I’m sorry ho, ha. Pero ako, totoo ako, e. ‘Wag n’yo akong pagagalitan… Pagkatapos ng show, ipakita n’yo ang gusto n’yong palabas. Kasi itong Wowowee, gusto ko, hindi ba – at alam din ni Tita Cory ‘yan dahil napasaya rin siya ng show na ito – na laging masaya dito, okey.”
Ang kaniyang audience na nandodoon sa loob ay nagpalakpakan – ibig sabihin approved sa kanila ang sinabi ni Willie. Ang tanong: Sapat ba na dahilan na tanggalin si Willie sa Wowowee? Sino ang dapat sisihin sa nangyari? Si Willie na host ng Wowowee – walang inisip kungdi ang pasayahin ang madla na noon ay nasa gitna ng pagdadalamhati sa pagpanaw ng ating mahal na dating pangulo si Tita Cory? or Ang management mismo ng ABS-CBN?
Panoorin n’yo ang videong ito at kayo narin ang humusga.
Paul Pruel
Overseas Filipino Worker
Riyadh, KSA
Ang Dakilang Araw Ng Buhay Mo Agosto 15, 2009
Posted by pruelpo in Tsapbuk: Original Filipino Writings (OFWs).Tags: birthday, greetings, kaibigan, ofw, tsapbuk
4 comments
Kapag daw napangiti mo ang isang tao lalu na sa araw ng kaniyang kapanganakan – iyon daw ay magdudulot sa kaniya ng saya na kikiliti sa kaniyang puso at isipan at hindi niya makakalimutan sa buong maghapon. Kaya naman kahit milya man ang layo natin sa taong iyon sinisikap natin na marating siya sa pamamagitan ng ating mga pagbati – mapa SMS, tawag, emails at iba pang paraan. Ang tulang ito ay iaalay ko sa kaniya.
Ni Paul Pruel
Overseas Filipino Worker
Riyadh, KSA
Dito sa bulubundukin ng lawang buhangin
Dito sa banyagang dampi at init ng hangin
Dito sa lupang ang talon, batis at baybayin
Ay balon ng langis na kinang ang angkin…
At dito ka tumugpa, sumagwan, bumaklad
At dito ay hinanap ang mabuting palad
At dito ay lumikha ng sariling pugad
Ng mga gunitang may luha’t galak…
Ngunit ang pagsapit ng ‘yong kaarawan
Ay hindi ko makakalimutan, kaibigan
Saan ka man naroon ika’y hahabulin
Ng aking pagbati’t mga panalangin…
Hayaan mo ngayong ikaw ay batiin
Ng galak at hangad na sana’y ‘yong kamtin
Ang iyong adhika’t nasa ng damdamin
Sana’y maabot mo at iyong marating…
MALIGAYANG KAARAWAN PARTNER EDWIN MAMARIL (August 17, 2009)
Kaya Mo Pa Ba Kabayan? Agosto 12, 2009
Posted by pruelpo in Blog.Tags: income, network marketing, ofw, pagkakakitaan, part time job
add a comment
Dahil sa hangarin na mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang pamilya, lumayo tayo sa kanila. Bagama’t ito ay mahirap labanan sinikap nating pansamantalang iwaksi ito sa ating mga puso at isipan ang pangungulila sa kanila. At tayo’y tuluyang naglayag sa ibayong-dagat upang doo’y tutuparin ang ating mga pangarap.
Nang iwanan natin ang Pinas at pamilya ang tanging baon natin ay lakas ng loob para harapin ang anumang mangyayari sa bansang daratnan. At likas sa ating mga Pinoy na hindi basta sumusuko. Tayo ay adbinturista at marunong dumiskarte. Tayo’y lumalaban sa anumang dagok ng buhay na ating sinusuong saan mang lupalop ng mundo tayo’y nandodoon.
Pero hindi lahat ang naga-abroad ay kasaganaan sa buhay ang nararanasan. Ang iba sa atin ay halos isumpa at nangagsisi kung bakit lumabas pa ng bansa – dahil hindi sapat ang sinasahod para sa buwanang gastos ng pamilya at sarili. Ang iba sa atin ay tumatanggap ng sahod pagkatapos ng tatlong buwan (ATM).
Nguni’t sa kabila nito tayo ay naririto parin kahit inaabuso na ng ating mga pinaglilingkurang amo. Hindi pa rin natin makuhang magreklamo at ipaglaban ang ating mga karapatan dahil sa takot na tayo ay mawalan ng trabaho, lalu na sa tuwing sasagi sa isipan natin ang mga utang na hindi pa natin nababayaran na pinambayad sa placement fee.
Nguni’t papaano kung tayo ay nanghina dahil dinapuan tayo ng karamdaman at tayo ay natanggal sa trabaho? Gaano tayo kahanda nito? Papaano pa natin tutuparin ang ating mga pangarap para sa ating mga minamahal sa buhay?
Kabayan may solusyon d’yan – paraan na makakatulong at makakadagdag sa inyong buwanang kita kung kayo ay masipag at may tiyaga. Dito sa Kaharian ay uso ang tinatawag na “part time job” para sa “additional income”. May mga kompanyang naghahanap ng mga masisipag na tao na kagaya nating mga Pinoy na mapagkakatiwalaan. Ang kanilang mga produkto at serbisyo ay dinadala sa mga tao sa pamamagitan ng network marketing.
Sa mga may gusto at magkaka-interest huwag ho kayong mag-atubiling mag-email sa akin sa (ppruel@gmail.com) para sa karagdagang impormasyon patungkol ho dito dahil sa bansang Arabia maraming puwedeng pagkakakitaan.
Nawa’y ingatan tayong lahat ng Maylikha.
paul pruel
mobile#:+966502143308
ppruel@gmail.com
My new blog: Wellcome Agosto 11, 2009
Posted by pruelpo in Blog.Tags: new blog, wellcome
add a comment
guys check this out. my new blog.
http://429p.wordpress.com/2009/08/11/hello-world/
Love Will Keep Us Alive Agosto 10, 2009
Posted by pruelpo in Blog.Tags: love, alive
4 comments
07 Love Will Keep Us Alive.wmv
New upload from http://www.youtube.com/user/kevinbutso, thanks for sharing it on youtube.com.
You can imagine what will happen to the people in this planet earth with out love?….
The Burial of Former President Cory Aquino – 05Aug09 Agosto 9, 2009
Posted by pruelpo in Blog, Uncategorized.Tags: abs-cbn, burial, cory aquino, sarah geronimo, sky patrol
add a comment
Sarah Geronimo singing MAGKAISA in Burial of President Cory Aquino – 05Aug09
http://www.youtube.com/user/iheartsarahG—salamat at iyo itong napost sa youtube.com. ganuon din sa ABS-CBN thank you. Salamat Kapamilya…
Ang kaniyang kasaysayan ay mananatiling kasaysayan na nag-ugat na saan man sulok ng mundo at kailanman ay walang makakapagbago nito kahit ang panahon!
Paul Pruel
The Music Played Agosto 9, 2009
Posted by pruelpo in Blog.Tags: golden Voice, Nora Aunor, proud of pinoy, SuperStar
add a comment
Nora Aunor – The Music Played
Clear na clear ang wordings..Pati boses niya siya lang ang mayroon ganyan.
You Took My Heart Away Agosto 9, 2009
Posted by pruelpo in Blog.Tags: love music, michael learns, music, rock
add a comment
Michael Learns To Rock – You Took My Heart Away
I just love this song…

