BE PROUD – DXN DISTRIBUTORS!!! Setyembre 29, 2009
Posted by pruelpo in Blog.Tags: Wanted DXN Partners
add a comment
Direct Selling booms in the midst of economic crisis
Source: http://www.ameinfo.com/
As many sectors feel the pinch from the global downturn, the direct selling industry appears to go from strength to strength.
Mr. Jijith N.K, the Regional Manager for DXN GCC, stated: “During this crisis period we have seen people looking for helping hand to survive and we are so happy to see many of our members who have lost their job are surviving with the income they received from DXN. Many who returned to their countries were going with the hope of continuing their journey with DXN.”
Figures from 2008 & first quarter of 2009 global revenues from direct selling shows a rapid growth in the sector especially within the Middle East region.
Direct selling is a $114bn industry which involves more than 62 million distributors worldwide, according to the World Federation of Direct Selling Associations. It is the sale of a consumer product or service, person-to-person, away from a fixed retail location, which has become a large part of the economy in many countries.
There appears to be specific reasons why the sector fares well during times of economic turmoil. At a time when many UAE residents may welcome a way to supplement their income direct selling provides an ideal platform for many to boost their earning capacity as independent contractors.
Mr. Eliser Salvador, Managing Director of Forever Living Products added, “Network Marketing is the only industry where business really kicks off when the recession is there. This is not the first time it had happened as a business trend in FLP company, in fact the company had witnessed the same business growth a couple or more times during its 31 years of existence.”
“We have a perfect example, a young couple employed in the corporate world, the husband was terminated and opted to go full time in his business with us. A couple of months later the wife was informed that her salary will be reduced, and she opted to be terminated instead and also joined her husband to do it full time. Now they are earning a monthly average income of a little over Dhs.25,000.00, and are enjoying more time with their kids at home,” he added.
The two of the major companies operating in GCC – DXN and Forever Living Products affirmed that ‘Business is Booming’ based on their increasing sales trend report, released recently. Other companies that have announced similar results include Better Globe, Seanet International, RMP Infotec, Amega Global. Recently established direct selling companies in the market are Oriflame and Konark Medicare.
Earlier this year, DSEI (Direct Selling Educational Institute) in collaboration with Linkviva Events held the 2nd International Direct Selling Festival in Dubai, the only exhibition and conference dedicated to the industry.
The event garnered over 4000 visitors from the region which proves the potential of this market. This success has created a huge interest within the industry leaders to now eye Dubai as the next big market.
In 2010, Dubai 3rd International Direct Selling Festival will be held on 14th to 15th May. It will showcase available direct selling products & oppotunites offering individuals in the region variety of choices to supplement their income.
________________________________________________________________________
For more info about DXN Products email me at ppruel@yahoo.com, or you can send SMS/call to +966502143308. And if you are also interested to become my DXN partner where ever you are – I will be happy to be your Sponsor.
See the nearest DXN center in your country and in your application write my Name and my DXN No. as “PAULINO O. PRUEL” DXN NO. “144069928″. Or if you are not yet decided to join DXN business Opportunity at this time you can use my Name and DXN No. to purchase any DXN product – to enjoy the 15%-25% discounts.
Take care. God bless.
Paulino O. Pruel
DXN Mem/Distributor
DXN ID No. 144069928
http://wellnessincome.blogspot.com
Munting Anghel Setyembre 27, 2009
Posted by pruelpo in Blog.Tags: anghel
add a comment
I against abortion.
Hindi maikukubli ang saya
Na hatid ng kaniyang mga mata
Larawan sila ng liwanag at pag-asa
Kasabay ang sikat ng araw sa umaga…
Ang kaniyang hagikhik at tawa
Ay gamot sa pusong nagdurusa
At sa mga pagal na tainga
Sila ay mga musika…
Siya’y isang munting anghel
Na galing sa mundong nagmahal
Bumalot at nag-aruga sa kaniya
Ang kaniyang inang mapagpala…
Sa kabila na siya’y mahina
Malalambot ang mga paa
Hubad at wala pang malay
Siya’y bulaklak ng buhay…
Ang haplos ng kaniyang mga kamay
At tamis ng kaniyang halik at dighay
Sa tuwing siya’y naglalambing
Walang matamis na maihahambing…
Kaya dapat lamang na siya’y mahalin
Alagaan ng husto at pagyamanin
Siya’y anghel na bunga ng pagi-ibig-an
Ng dalawang pusong nagmahalan…
Paul Pruel
New Passport Not Valid For Travel To Iraq Setyembre 26, 2009
Posted by pruelpo in Blog.Tags: bagong pasaporte, machine readable passport, Philippine Passport
1 comment so far
Ang bagong Passport ngayon ay Machine Readable Passport/Readable Machine Passport. Ang kulay nito ay Brown na hindi na Green. Sa unang pahina nakabalandra ang Republika ng Pilipinas at ang kumakaway na Bandila ng mahal nating Inang-Bayan. Maganda siyang tingnan -makulay. Sa sumunod na pahina nandoon ang impormasyon ng may ari ng passport at dito sa pahinang ito doon din nakasulat ang “Not valid for travel to Iraq”. Sa huling pahina nito ay para sa signature ng bearer na nakasamang nakasaad ang Mahalagang Paalaala.
Sa totoo lang hindi ko ma gets kung ano ang logic ng DFA – bakit tinatakan nila ang bagong passport na “Not valid for travel to Iraq?
Ang date ng issue ng passport ko ay July 31, 2009 valid until July 30, 2014 good for five years na naman. Lalong mamumuti ang buhok ko nito sa tagal na paggamit nito para sa mga minamahal na niwan sa Pinas. Ang tanong ko ngayon sa DFA: Papaano kung sa loob ng dalawang taon tapos na ang contract ko dito sa Saudi.
Siyempre kailangan kong maghanap ng work para sa pamilya at nagkataon na walang ibang bansang nagha-hire ng mga manggagawang Pinoy maliban sa Iraq – ibig sabihin panibagong application na naman ito para sa passport na gagamitin papuntang Iraq? Panibagong babayaran na naman ito sa kanila? Ganito ba magmahal ang gobyerno natin through DFA na laging may katumbas na salapi? Akala nila sinasalok ang pera dito sa Saudi kasama sa langis o winawalis kasama sa gabundok na buhangin?
DXN – The next Trillion Dollars Company on GMA7 Setyembre 12, 2009
Posted by pruelpo in Blog.Tags: extra income, Negosyong DXN
add a comment
The next trillion dollars company – DXN International Marketing…Thanks to DXN Diamonds Team for this material. Salamat din sa GMA 7 at sa mga hosts ng kanilang programang “Extra Income”
GANODERMA LUCIDUM (RED MUSHROOM) is recognized as “King of Herbs” with 200 active ingredients that helps fight against:

Cancer, skin rashes, mentrual cramps, menopausal problems, high blood pressure, hypertension, hematoma, nasal problems, urination difficulties, frequent urination, arthritis, rheumatism, gastric hyperacidity, peptic ulcer, impotency, chronic bronchitis, insomia, tumor, chronic hepatitis, food poisoning, liver cirrhosis, varicose veins, renal diseases, tuberculosis, constipation, bronchitis, migraine, sinusitis, obesity, aging, diabetes and kidney stones.
Halos lahat taglay na niya ang kailangan para lumakas ang ating resistansha at immune system laban sa mga sakit na nakukuha natin sa pagkain, tubig at hangin.
Hindi kaya ito ay puwede rin na maging sagot o makatulong para Labanan o Harangan ang Swine Flu na kumikitil ng maraming buhay?
Kung kayo ay interasado na maging DXN Partners at para sa karagdagang info patungkol dito huwag ho kayong mag-atubiling mag email sa akin (Paul Pruel) @ ppruel@yahoo.com, ppruel@gamil.com or kay Edwin Q. Mamaril @ eqmamaril@yahoo.com just mention kung saan n’yo nakuha ang impormasyon. Salamat Kabayan.
Halalan 2010: Magsakripisyo para sa mga Mamamayan at kay Inang-Bayan! Setyembre 3, 2009
Posted by pruelpo in Blog.Tags: halalan 2010, usapang-politiko
add a comment
Dahil sa POLITICS at PAMUMULITIKO, ang daming nagkalintik-lintik ang buhay. Dahil sa sobrang POLITIKO at PAMUMULITIKO, ang dami na ring namamatay. Dahil sa walang katapusang PAMUMULITIKO, nakakalimutan ang mga tungkulin na dapat sana yon ang unahin para sa kabutihan ng mga MAMAMAYAN at kay INANG-BAYAN. DAHIL sa POLITIKO at PAMUMULITIKO, ang PILIPINAS ay lalong nalulubog at naghihikahos sa sobrang LAKI ng UTANG. Pati ang mga batang hindi pa naipapanganak ay may UTANG na. Naku po! Diyos ko po – Maawa na KAYO! Dahil sa POLITICS at PAMUMULITIKO, milyong-milyong kababayan nating TUTUBI (OFW-Over Financially Worried) ang lumilipad palabas ng bansa at dumadapo kung saan-saan sa mundo sa paghahanap ng magandang kapalaran.
Alam natin na ito ang buhay ng mga Politicians sa bansa natin dahil puwede pagkuhaan ito ng YAMAN. Nguni’t may karapatan tayo na himayhimayin ang sinumang kakandidato. Maraming nagngangangawa na dapat daw na palitan na ang kalakaran ng pamamahala ng bansa at ang sistima nito. Subali’t hanggang ngawa lamang. Ang mga OPOSISYON ay walang pagkaka-isa.
Kung tunay ang hangarin natin na mabago ang kalakaran ng ating pamahalaan ang kakailanganin ng mga oposisyon ay ang magkaisa at pumili ng iisa lamang kakandidato laban sa kandidato ng administrasyon. Nguni’t kung ang mga oposisyon ay magkakaniya-kaniya na naman ay tiyak mahihirapan sila laban sa mamanukin ng administrasyon. Bakit? Dahil habang dumarami ang kalaban ng admin presidentiable mas malaki ang chance na mapataob n’ya ang mga kalaban dahil maghahati-hati ang boto – simpleng aritmetic lamang yon. Kaya at this time dapat patunayan ng oposisyon na handa silang magsakripisyo alang-alang sa mga mamamayan at kay Inang-Bayan!
Paul Pruel
OFW (Over Financially Worried)
Riyadh, KSA
Tips on how to find a J.O.B.(Just Obey Boss) Part-1 Setyembre 2, 2009
Posted by pruelpo in Blog.Tags: job, ofws, tips
2 comments
Itatago ko sa pangalang Jeff, ang taong sumulat sa akin 3 days ago na humihingi ng tips on “How to find a Job” (Just Obey Boss). Siya ay isang Electrical Engineer bagong graduate at kasalukuyang ay naghahanap ng trabaho sa Pinas papuntang abroad. Sa mga Tutubing katulad ko (OFWs) kung kayo ay may maidadag-dag na suhestyon patungkol dito mangyari ho add them here. Ito ay di lamang para kay Jeff kungdi para sa iba pang naghahanap ng work abroad at susunod sa ating mga yapak at kinaroroonan sa ibayong-dagat.
ITO ANG NAGING SAGOT KO SA KANIYA:
Una sa offline: paminsan-minsan magbasa ka ng diaryo, manood ng TV, makinig sa Radyo, mag-ikut-ikot sa mga agencies na nagpapalakad ng mga manggagawang pinoy sa ibang bansa, punta ka sa POEA – hingi ka doon ng lists ng mga agencies na nakaregistered sa kanila at magtingin-tingin ka na rin doon kung ano ang mga bagong offer na jobs ng ibang bansa – tulad ng korea, taiwan, japan, middle east at iba pang mga bansa na nangangailangan ng manggagawa, magtanong-tanong karin sa ibang taong makakadaupang-palad mo kung may mga opening na jobs mapa lokal at pandaig-digan.
Pangalawa Online: Gamit ang iyong email you can go anywhere in the world, sumali sa mga forum groups, social groups, make friends sa mga bago mong kakilala sa grupo, ekuwento mo sa kanila na ikaw ay naghahanap ng work, tiyak may isa sa kanila na magre refer sa iba pa nilang mga kakilala about you, lagi mong ihanda ang iyong resume nang sa ganuon anytime puwede mo itong ipadala offline or online sa mga agencies or tao na mage-enteres sa iyo para magtrabaho sa kanila.
Makihalubilo ka sa mga social networks na gaya nito – sumulat ka ng maikling article about you na naghahanap ka ng work lokal or abroad or whatsoever basta about looking job. E post mo iyon as your blog article dito or sa iba pang networks or sa mga forum groups.
Meron din mga websites tulad ng workabroad.com sa pinas – punta ka doon at mag open ng account iyon ay free sa lahat ng mga aplikanteng naghahanap ng works mapa lokal o pandaig-digan at iyong e upload ang nakakaakit mong resume.
Normal sa isang aplikante ang maghintay ng magha-hire sa kaniya. Ang iba nga inaabot ng taon bago makakita ng work. Kaya ang dapat mong gawin habang ikaw ay naghihintay ng hiring abroad, ‘wag kang tamarin na maghanap muna ng work locally kahit maliit ang sahod – dahil malaking tulong ang experiences mo to flavour your resume.

