Tatlo sa 37 PEBA’s Nominees — Iboto Natin Sila Nobyembre 3, 2009
Posted by pruelpo in Blog.Tags: blogger, galing, husay, ofws, peba
trackback
Vote #35, #34 & #33 VOTE HERE!!!
Mula sa 21 bansa, ang PEBA (Pinoy Expats Blog Awards) ay pumili ng 37 nominees na mga Pinoy Expats/OFWs, para sa 2nd International Pinoy Expats/OFW Blog Awards. Sila ay may kaniya-kaniyang taglay na husay at galing at iyon ay makikita sa kanilang pinagpuyatan at pinagpagurang mga entries.
FLAMINDEVIL, #35, Kuala Lumpur, Malaysia
Ang dahilan kung bakit silang tatlo ang ilalapit ko para sa inyong mga boto (#35–FLAMINDEVIL), (#34-TOPEXPRESS) at (#33-BONISTATION) ay hindi lamang dahil sila ay aking mga kaibigan sa blogosphere, kungdi dahil sa taglay nilang husay at galing sa larangan ng pagsusulat na kapupulutan ng aral, inspirasyon, pag-asa at panibagong pananaw sa buhay ng bawat Expat at OFW around the world.
Vote #35, #34 & #33 VOTE HERE!!!
TOPEXPRESS, #34, Nova Scotia, Canada
Ang kanilang mga akda na matutunghayan natin sa kani-kanilang blogsites ay talaga namang punum-puno ng kulay, pag-asa, buhay at inspirasyon. Kahit magkakaiba ang kanilang kinalakihan at mga natapos na propisyon, taglay nila ang ‘di matatawarang tapang at lakas ng loob na harapin ang buhay sa ibayong-dagat at bigyang katuparan ang kanilang mga pangarap.
Vote #35, #34 & #33 VOTE HERE!!!
BONISTATION, #33, Dammam, Saudi Arabia
Kaya naman po hindi ako nag-atubiling iparating ko ito sa inyo at hingin ang inyong mga boto para sa tatlong ito. Ang PEBA awarding ay gaganapin sa ganap na ika-6:00PM 26th December 2009 at the UP Diliman, ang Bahay ng Alumni Convention Hall. At bago manlang dumating ang araw na iyon, sila ay nai-boto na natin!
MARAMING SALAMAT PO
Paul Pruel -u=kingofherbs, OFW



wow! maganda ang pagkagawa ng unang pix…
Salamat po Father. Ang idiya po ay nanggaling po sa iyo at naikalat ko na rin po ito sa lahat ng aking blogs at social networks. Puwede po tayo na maging campaign managers wag lang sa politika. hehehe. Galing na po ba kayo sa Basilan?
again,many many many thanks.
tats na tats na tats ako.salamat po.
Para sa inyong tatlo kami nila Father at iba pa nating mga igan sa blogosphere at maging wala sa blogosphere susuporta din sa inyo.
naks! may sariling entry talaga para sa amin! salamat po dito!!
acknowledge and noted!
Welcome at salamat din sa pagbibigay pugay hehehe…Igan.