Tutubing Lumipad sa Kulungan Napadpad


uploaded on April 23, 2009 thanks to bualaw07
Anong sakit at anong saklap, ang sinapit ng isang tutubing nangarap, sa katauhan ni Rodelio “Dondon” Celestino Lanuza, lumipad siya patungong Arabia sa taong 1997, nag-iwan ng pangako na sa pagbalik niya ang pamilya’y giginhawa?

Nguni’t sa kasamaang palad si Tutubing Dondon ay naipit at nagipit, sa dinapuan n’yang sanga siya’y nalaglag at bumulusok pababa. Ang kan’yang mga pakpak ay nawarak at ‘di na makalipad at tuloy sa piitan siya’y bumagsak!

On January 22, 2010, sinikap kong kunin ang ilang impormasyon at ang kaniyang mga saloobin, ang kaniyang mga agam-agam, takot at mga pangamba at ang dahilan kung bakit siya ay nasa piitan. Sa pamamagitan ng pagtawag sa celfon niya, text messaging at emails.

Pruelpo: Ang misis mo rin ba ay nagwowork sa Dammam?

Dondon: — sa King Fahd Military Medical Complex, Dharan po siya nagwo-work as a Ward Clerk with a 1,000.00 SR. monthly Salary po.

Pruelpo: Nakakadalaw ba siya sa iyo Diyan?

Dondon: — opo nakakadalaw po siya sa akin isang beses sa loob ng isang buwan.

Pruelpo: Ilang taon na kayong kasal ng misis mo?

Dondon: –Kami po ay nagpakasal noong September 13, 2004 at napanood po ito sa TFC . Nakilala ko po ang aking Asawa dahil ang kaniyang Tiyuhin ay nakasama ko po mismo dito sa loob ng kulungan. Kami po ay nagkausap sa telepono at gaya ng ibang tao ay napunta ang aming usapan sa pag-iibigan at sa huling yugto ay nakasal kami na may basbas ng Jail Management at ng Governor Office.

Pruelpo: Hindi mo ba hinahanap-hanap ang mga paglalambing ng iyong dalawang anak?

Dondon: –‘Di lang po ng 2 anak kundi pati Asawa, Magulang, Kapatid at Kaibigan

Pruelpo: Malalaki na ba ang mga kids n’yo?

Dondon: — Pauline 15 at Paolo 12. Sila ay  twice napahinto sa Pag-aaral dahil di po namin matustusang mag-asawa. Lumalaki na po sila at lumalaki din ang pangangailangan nila.

Pruelpo: Nasaan ang mga kids n’yo ngayon?

Dondon: — nasa Bacoor, Cavite po sila.

Pruelpo: Sino ang naga-alaga sa kanila?

Dondon: — sa ngayon po ay Lolo po nila.

Pruelpo: Alam ba nila ang nangyari sa iyo?

Dondon: — opo at umaasa pa din na makakasama nila ako.

Pruelpo: Hindi ka ba nahirapan na sabihin iyon sa kanila?

Dondon: — sa pananaw ko po sa buhay ay dapat maging totoo po tayo sa lahat ng mga ginagawa at mga salita.

Pruelpo: Sa taong 2000 nang hindi ka pa hinatulan ng kamatayan puwede mo bang ekuwento sa akin ang naging damdamin mo?

Dondon: — nung time po na nangyari ang Crime ay malakas po ang loob ko na maaabswelto ako dahil alam ko po na kahit sinong tao ay gagawin ang ginawa ko sa oras ng kagipitan.

Pruelpo: At nang hatulan ka na ng death sentence noong 2002, ano ang naramdaman mo at papaano mo ito tinanggap?

Dondon: — hanggang ngayon po ay di ako makapaniwala na nakakulong ako at di ko po matanggap ang katotohanan. Naguguluhan po ako sa Batas ng Islam re. Eye for an Eye! May advantage po ito at may disadvantage. Sa tinagal ko po dito sa loob ay maraming nakalaya na mga Murder Cases na napaka-bigat na pagpatay. Nandyan po yung sinunog ang bangkay pero pinatawad ng namatayan ang pumatay at nakalaya na. Paano naman kung ang kaso ko ang pag-usapan natin at di ako pinatawad? Parang laro ng Kara o Krus po ang buhay ng Murder Cases dito. A simple swing of coin to know your fate. Si OFW Nonito Abono na 2 ang pinatay pero nakalaya. Alam ko po na naintindihan niyo ang paliwanag ko.

Pruelpo: Bago ka nakulong balik Islam ka naba noon? Or pumasok ka nang ikaw ay nasa piitan na?

Dondon: — August 15, 2000 po ako nakulong at pinag-aralan ang Islam sa loob ng 10 buwan. At nag-embraced po ako sa Islam nuong June 12, 2001.

Pruelpo: Ang pagpasok mo ba sa Islam ay agad sinang-ayunan ng misis mo?

Dondon:Muslim na din po ang aking Asawa.

Pruelpo: Ang pangalan mo hindi na ba binago, nanatiling Rodelio "Dondon" Celestino Lanuza ito?

Dondon: –Eesa po ang naging pangalan ko sa Islam pero di pa din po mawawala ang luma kong pangalan gaya ng mga ibang nag-muslim.

Pruelpo: Sa kinalalagyan mo ngayon papaano ang pagkilos mo?

Dondon: — maganda po ang facility ng kulungan pero kahit ano pa ang sabihin natin ay kulungan pa din na natanggalan ka ng laya. Bargaining po ang pakiramdam ko! Minsan tanggap minsan hindi minsan parang panaginip! Napakahirap po!

Pruelpo: Papaano mo pinakikisamahan ang mga taong nasa paligid mo?

Dondon: — dapat po mahaba ang pasensya mo pero awa po ng Diyos ay ginagalang po ako dito.

Pruelpo: Kani-kanino ka lumapit para humingi ng tulong na masalbar ka sa kaso? Meron bang nangyaring actions?

Dondon: — halos lahat po ay nilapitan ko na pero patuloy pa din po akong umaapila kahit kanino. Ang iba ay nakagawa ng aksyon pero karamihan po ay mga pangako lang na napako. Nasa Aggrieved Party pa din po ang buhay ko. Isa lang po ang nakikipag usap sa Aggrieved Party at dito lang umaasa ang ating Embahada na bakit ‘di po nila gawin ang lahat para malapitan ang pamilya at mapatawad po ako?

Pruelpo: nakuha mo bang lumapit sa mga Filipino Community groups d’yan at sa buong KSA?

Dondon: — sinubukan ko na po pero wala po mga sagot.

Pruelpo: Ano sa palagay mo ano ang dahilan bakit hindi ito naging matunog sa kabilang matagal na itong nangyari?

Dondon: — sa tingin ko po ay naging abala lang ang mga tao sa kanilang mga trabaho o sa pang araw-araw na gawain kaya di po gaano napansin ang aking kaso.

Pruelpo: Puwede mo bang ekuwento ang buod kung papaano mo napaslang ang arabong yon?

Dondon: — sinaksak niya po ako sa leeg.  Bumaksak po ako at sinundan ng saksak na hinarang ng palad ko. Sa pangatlong saksak niya po sa akin ay buong pwersa ko po hinawakan ang talim ng kutsilyo at naagaw sa kanya at naisaksak ko po sa kanya. Di ko po alam na namatay. Tatlong buwan na po ako sa kulungan ng dinalaw ako ng Embahada at sinabi nila na napatay ko po yung arabo.

Pruelpo: Puwede mo bang ekuwento sa akin ang kasalukuyang saloobin mo ngayon – habang naghihintay ka ng tulong mula sa gobyerno natin?

Dondon: — hanggat may buhay may pag-asa po at patuloy po ako lalaban at mananawagan kahit kanino po.

Pruelpo: Papayagan mo ba na gamitin ka ng tao o mga grupo ng tao para pagkakitaan?

Dondon: — Hindi po!

Pruelpo: Ano ang masasabi mo sa mga lumalabas na usap-usapan na – ang sitwasyon mo ngayon ay ginagamit ng isang tao o grupo ng mga tao upang pagkaperahan?

Dondon: — Taon 2005 ay may nabalitaan po ako na nakapag-bigay po ng tulong pinansyal na halagang 7,000.00 SR. ngunit wala po ako natanggap. Naglabas po ako ng aking pakikiusap sa tulong ng isang kababayan na iparating sa ibang tao – na huwag gamitin ang aking pangalan para sa kanilang pangangailangan. Naniniwala po ako sa karma at sa Diyos na lang po makipag-ugnayan ang mga taong manloloko.

Pruelpo: Ano ang reaction mo patungkol sa isang artikulong nalimbag sa www.philstar.com noong January 17, 2010 na ang pamagat ay Ligtas sa bitay, patay sa utang.

Dondon: Napaka-gandang balita po kung totoo sana ang nasa Diyaryo. Pero nandito pa po ako sa loob ng kulungan. Naguguluhan na po ako. Bakit ‘di po ayusin ng DFA ang mga Major Cases ng OFW? Bakit hinayaan lang nila ang Embahada ang kumilos? Bakit ‘di po magpadala ng Legal Team ang DFA para sa mga Major Cases? Sa President ng Reconciliation Committe ng Eastern Province lang po umaasa ang Embahada sa Kaso ko. Dapat po ay magpursigi ng husto ang ating Pamahalaan dahil minsan lang po mangyari ang pagbibigay ng Pardon dito sa Kaharian. Sana mag-ingat po tayo sa pagpapalabas ng mga balita sa pahayagan dahil buhay ko po ang nakasalalay dito.

Si Dondon ay isa sa milyong tutubi (OFWs) na lumayo upang sa ibayong dagat ay hanapin ang suwerti, ang kapalit ay mga sakripisyo sa buhay, relasyon, kinabukasan at marami pang iba. Nasaan siya ngayon? Siya ay nakakulong naghihintay ng tulong na maligtas siya sa KUKO ni KAMATAYAN!

 

Thank you for your time.

Paul Pruel

OFW (Over Financially Worried)

Riyadh, KSA

Reblog this post [with Zemanta]

29 Tugon tungo sa “Tutubing Lumipad sa Kulungan Napadpad”

  1. Si rllqph ay nagsabing:

    PLUG: Join 50×50 WP Pinoy Project! Visit http://bit.ly/50x50wppp for more information!

  2. Si pruelpo ay nagsabing:

    ok sige pasyalan ko iyan para makita ko kung ano ang nandoon. thanks

  3. Si johnwho ay nagsabing:

    wow..isang kewnto eto ng masaklap na nararanasan ng ating mga kapwa pinoy sa ibayong dagat..sana kaawan siya ng diyos na maykapal at biyayaan siya ng kalayaan.
    I will keep him in my prayers.
    God Bless

    • Si pruelpo ay nagsabing:

      salamat sa pagsilip at komento igan johnwho. ang sitwasyon ni Dondon ay isa sa mga mukhang taglay ng isang OFW sa kaniyang pakikipagsapalaran. musta naman ang networking natin?

  4. Si Otakore Literantadodist ay nagsabing:

    Nabasa ko yung sa Philstar. Naguluhimanan ako sa kwento ng artikulo duun, may mali ‘ata …

    Ang tanging hatid ko lamang ay DASAL para kay Dondon.

    Nawa’y malagpasan mo ang pagsubok na ito, Dondon.

  5. Si Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD ay nagsabing:

    this is actually sad…my prayers for him. basta wag lang tayong mawawalan ng pag-asa….

  6. Si reggie ay nagsabing:

    Nagtataka lang ako kung saan o paano nakuha ni Amba seneres ang impormasyon na nakalaya na si Dondon at bakit inilathala agad at hindi muna nagverify na siya namang karaniwang ginagawa ng mga nagsusulat sa peryodiko and considering dati syang embahador.

  7. Si coolwaterworks ay nagsabing:

    This is a sad post… He is just one of the many Filipinos abroad who also suffer the same plight… Prayers for him… And hopefully, may we have a better Philippines so that in the future, our fellow Filipinos need not go out of our country to look for work….

  8. Si nhickole ay nagsabing:

    hi po!!!pagsubok nga naman!!!!
    palaging nandyan!!!kaya po kapit lang kay Lord para
    di po panghinaan ng loob!!!

  9. Si nhickole ay nagsabing:

    thanks po pala sa pagvisit!!!

    God bless!!!

  10. Si nhickole ay nagsabing:

    thank you po!!!
    kayo din po ingat po palagi!! God bless po!!!

  11. Si essay ay nagsabing:

    nice post

  12. Si ipis@butiki ay nagsabing:

    hoy DONDON!!!ang kapal ng mukha mo!!! hindi totoo ang mga cnsbi mo!!! paiba-iba ka ng cnsb!!! kilala kta at ang asawa mo! totoo ung issue na pnagkkaperahan ang 2ngkol d2 n tanging kayo dn nmn ang gumagawa! ang arte mong bilanggo! kng ayaw mo ung rule ng islam, sana d k n ng-muslim! ng-mutawa kp nga e! proud k p nga ipakita ung picture mo n nka-thobe ka! at nka-IPOD pa! tapos wlang pera?! ung asawa mo nga lgi bago celphone e! may laptop p! ung mga “anak mo” na hindi mo nmn tlga anak, huminto s pg-aaral dhil tamad! gus2 lng mg-fb!!! may comment kb?!

    • Si pruelpo ay nagsabing:

      salamat sa tugon Igan Ipis@Butiki. kung totoo man itong na share mo dito nangangahulugan lamang na may nabago na sa pamumuhay ng mag-ina ni Dondon kahit lantaran ayon sa pagkukuwento mo na ginagamit ang kalagayan n’ya. Nawa’y mabasa n’ya ito at bigyan linaw itong tugon mo. Hanggang ngayon umaasa ako na malalampasan ni tutubing Dondon ang tiyak na bitay dahil iyon ang hinahangad natin ang kaniyang paglaya. God bless.

  13. Si bobet julian ay nagsabing:

    Kaibigan, nais ko po sanang ihingi ng tulong o ibahagi ang karanasan ng aking bayaw na nasa Riyadh . Siya ay napabilang na sa mga tutubing sa kulungan napadpad.Nais ko lang pong malaman kung , bilang kamaganak na malayo sa kanya, anu po ba ang pwede naming magawa o gawin para matulungan sya? Siya po ay nasa kulungan buhat nung May 2010, siya po ay idinawit ng isang Bangladeshi sa pagpatay sa isang Pinay Maid.
    Naghihintay po sa inyung komento.
    Maraming Salamat po.

    • Si pruelpo ay nagsabing:

      Igan Bobet, kayo rin ho ba ay nandito sa Riyadh, KSA? Puwede natin ito ilapit sa tao o mga taong mas nakakaintindi ng batas dito sa Kaharian. Sinabi mong idinawit lang ang bayaw mo sa krimen…ito ang email add ko ppruel@gmail.com or ppruel@yahoo.com – email mo sa akin kung bakit nadawit ang bayaw mo? Kasama information ng bayaw mo, work niya dito, name ng kompanya – ano ngayon ang ginagawa ng kompanya niya para tulungan ang bayaw mo – gaano na katagal ang bayaw mo dito- ang contact info mo at ang bayaw mo – just incase magawa natin kausapin kahit nasa loob ng kulungan. Salamat sa dalaw at pagparating nito. Balik uli.

  14. Si Crunchy Greetings from WordPress—We think You did Great! « Ang Manlilikha ay nagsabing:

    [...] with 8 comments, (3) Nang Pumatak Ang Luha, Nasulat Ay Tula – November 2008 with 4 comments, (4) Tutubing Lumipad sa Kulungan Napadpad – January 2010 with 25 comments and (5) NEGOSYONG WALANG LUGI with 4 [...]

  15. Si Torrent ay nagsabing:

    Nakakalungkot talaga ang mga karanasan ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa. Sila at ang kanilang mga pamilya ang nagdurusa sa mga epekto na dulot nito.

  16. Si Dison Arnibal ay nagsabing:

    Salamat po dito sa new.
    Matagal naba ito?

    _____________________
    what to do in sydney and things to do in bali.

    things to do in sydney bali attractions!

  17. Si pruelpo ay nagsabing:

    You did not able to see the date Dison. Anyway, thank you for your precious time commenting. Much appreciated.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 1,192 other followers